dzme1530.ph

ATONG ANG, WALA NA SA PILIPINAS; NAKATAKAS SA PAMAMAGITAN NG “BACKDOOR”

Loading

Nakalabas na ng Pilipinas ang puganteng gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na gumamit ng “backdoor” si Ang sa paglabas nito sa bansa.

Tumanggi naman ang kalihim na magbigay ng iba pang detalye kung kailan at paano nakapuslit palabas ang negosyante.

Hindi rin isiniwalat ni Remulla kung saan ang huling lokasyon ni Ang, sa pagsasabing ongoing pa ang imbestigasyon.

Pinaghahanap si Ang dahil sa pagkakasangkot nito sa umano’y pagdukot at pagpaslang sa mga nawawalang sabungero noong 2021 hanggang 2022.

About The Author