dzme1530.ph

SEN EJERCITO, NILINAW NA ANG AKSYON NI AMBASSADOR JING ANG TINUTUTULAN AT HINDI SIYA ANTI-CHINA

Loading

UMALMA si Senador JV Ejercito sa mga banat sa kanya ng mga bashers sa social media na pumupuna sa kanyang naging pahayag laban kay Chinese Ambassador Jing Quan.

Iginiit ni Ejercito na hindi siya siya laban sa China kahit na ginagawa na siyang pulutan ngayon sa social media.

Ipinaalala ng senador na nag-aral siya sa Chinese School tulad ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Lumaki anya siyang kasama ang mga Chinese classmates at nananatili ang kanilang maayos na relasyon.

Gumagamit din aniya ang senador at nag-eendorso ng mga chinese products at umiinom ng mga chinese herbals.

Ang tinututulan anya niya ay ang mga marahas na pahayag ng Chinese Ambasador Jing Quan sa Pilipinas.

Ipinayo pa ni Ejercito na bilang diplomat dapat nagsasalita ang ambassador kung paano maayos ang gusot sa pagitan ng China at Pilipinas at hindi lumalabas na undiplomatic ang mga hakbang na ginagawa o sinasabi ng ambassador na may halong pananakot.

About The Author