![]()
Matagumpay ang isinagawang “Finale Concert” ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, kung saan todo ang papuri sa kanya ng mister na si Ogie Alcasid.
Tinawag ng singer-songwriter ang misis bilang “greatest singer of this beloved country.”
Sa ikalawang gabi ng concert series sa SM Mall of Asia Arena, special guest uli si Ogie kung saan inawit nilang mag-asawa ang kanilang popular duet na “Ikaw Lamang (Hanggang Ngayon).”
Ang naturang kanta ay sinulat ni Ogie para sa misis at naging official soundtrack ng pelikula ni Regine kasama si Richard Gomez noong 2002.
