![]()
Sumadsad na naman sa panibagong record low ang halaga ng piso kontra dolyar.
Kahapon, nagsara ito sa ₱63.09 per dollar, ang ika-dalawampu’t walong record low ngayong taon.
Sa trading noong Biyernes, ₱62.985 per dollar ang halaga nito, 10.5 sentimo na mas mababa kumpara kahapon, araw ng Lunes.
Binasag ng bagong record ang ₱63.06 na dating record low na naitala noong Huwebes, Oct. 15.
Iniugnay ni Philippine Institute for Development Studies (PIDS) Senior Research Fellow John Paulo Rivera ang paghina ng piso sa parehong internal at external concerns.
