dzme1530.ph

PARI, PATAY MATAPOS MABAGSAKAN NG CRUCIFIX SA GITNA NG NAKA-LIVESTREAM NA MISA SA ECUADOR

Loading

Patay ang isang pari matapos mabagsakan ng crucifix sa isang simbahan sa Ecuador habang nagmimisa at naka-livestream sa online.
 
Binawian ng buhay si Father Patricio Alfredo Sanchez Molinari sa Perpetuo Socorro Church sa city of Guayaquil sa southern Ecuador, ayon sa Archdiocese ng siyudad.
 
Sa video ng insidente, makikitang nagmimisa sa altar ang pari nang bumagsak ang malaking krus na gawa sa kahoy mula sa kanyang likuran, eksakto sa kanyang kinatatayuan at tinamaan siya sa ulo.
 
Napuno ng sigawan ang simbahan mula sa mga deboto at may ilang napatakbo palapit sa pari.

About The Author