![]()
Umaasa si House Senior Deputy Minority Leader Leila de Lima na may makakamit na hustisya sa ₱11-B plunder case na isinampa ng Ombudsman laban sa mga opisyal ng Pharmally.
Hanggang ngayon ay nagpupuyos pa rin sa galit si De Lima sa pagsasamantala at pagnanakaw ng nakaraang administrasyon habang umiiral ang COVID-19 pandemic.
Sa halip umanong panagutin ang mga nasa likod ng Pharmally, sa pangunguna ng financier at Chinese businessman na si Michael Yang, ay ipinagtanggol pa ito ni former President Rodrigo Duterte.
Saad pa ni De Lima, napakalaking kawalanghiyaan ang ginawang pandarambong sa panahon ng pandemya, kung saan napakaraming Pilipino ang nagkasakit, namatay at nalagay sa peligro ang buhay.
Habang bilyon-bilyong piso naman ang pinagpiyestahan ng mga kawatan.
Umaasa si De Lima sa mabilis na resolusyon ng kaso.
