dzme1530.ph

DATING ENERGY SECRETARY ALFONSO CUSI, HUMILING NA PAYAGANG MAKABIYAHE SA CHINA AT JAPAN

Loading

Hiniling ni dating Energy Secretary Alfonso Cusi sa Sandiganbayan 3rd Division na payagan siyang makabiyahe patungong China at Japan simula sa October 31.
 
Ayon kay Jezreel Zapanta ng Office of the Special Prosecutor, hindi nakasaad sa mosyon ni Cusi ang haba ng biyahe niya o kung kailan ang kanyang balik.
 
Kaya naman tinutulan ni Zapanta ang hiling ni Cusi na nagpaplanong dumalo sa import-export fair sa China at food fair sa Japan.
 
Si Cusi ay nahaharap sa kasong graft dahil sa umano’y pangangasiwa sa pagbebenta ng 45% stake sa Malampaya Gas Project noong 2019.
 
Dahil sa bentahan, nalugi umano ang gobyerno ng milyong dolyar na kita sa Malampaya.

About The Author