![]()
LUMUTANG sa pagtatanong ng mga senator-judges ang posibleng pagtanggap ng double compensation ni Vice President Sara Duterte noong 2023.
Sa pagtatanong ni Senator-Judge Raffy Tulfo, kinumpirma ni Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez na batay sa BIR form 2316 na isinumite ng Bise Presidente noong 2024, lumitaw na tumanggap siya ng P82,327.45 noong 2023 sa Davao City Government.
Ipinaalala ni Tulfo na alinsunod sa Article 7, Section 13 ng Konstitusyon na nagbabawal sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga miyembro ng gabinete na humwak ng ibang posisyon o magpractice ng propesyon habang nasa pwesto.
Samantala, nakalkal din sa day 37 ng impeachment trial ang mga deklarasyon ng Cale 88 sa mga BIR documents.
Sa pagtatanong ni Senator-Judge Risa Hontiveros, muling inilutang mga kahina-hinalang transaksyon ng kumpanya kabilang ang pagtanggap ng P319.2 million remittances mula sa China, Hong Kong at Ukraine.
Tinutukan naman ni Senator-Judge Joel Villanueva ang deklarasyon ng Cale88 na dalawa lamang ang empleyado nito subalit nakabenta ng P150 million na banana chips pero may losses o lugi na P6.13 million.
Samantala, kwestyonable para kay Senator-Judge Kiko Pangilinan ang deklarasyon ng psahod ng Cale88 noon 2024 na umaabot lamang sa P1,227,042 o katumbas ng P97,000 kada buwan.
