![]()
Isang sundalo ang nasawi kasunod ng panibagong ambush sa military convoy sa Basilan, ayon sa 1101st Infantry “Gagandilan” Brigade ng Philippine Army.
Nangyari ang pag-atake kagabi sa Barangay Sabong, sa Lamitan City, habang pabalik ang tropa mula sa 45th Infantry Battalion sa kanilang unit lulan ng six-by-six truck matapos sunduin ang personnel mula sa isang local port.
Inilipat naman mula sa Lamitan District Hospital ang anim na iba pang mga nasugatang sundalo patungo sa Camp Navarro General Hospital, na ino-operate ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City.
Kabilang din sa mga nagtamo ng injuries sa bakbakan ang dalawang sibilyan na kinabibilangan ng sampung taong gulang na batang lalaki at kanyang ama.
Ang pananambang ay kasunod ng kaparehong pag-atake kamakailan sa Barangay Badja sa Tipo-Tipo, Basilan, na ikinasugat ng labintatlong sundalo.