![]()
Nagsanib-puwersa ang Department of Energy (DOE) at ang Japan International Cooperation Agency (JICA) upang palakasin ang seguridad sa langis ng Pilipinas.
Sa pamamagitan ito ng pag-assess sa supply, demand, at stockpiling systems ng bansa, at pagtukoy sa mga polisiya upang makapaghanda sa mga posibleng aberya sa supply.
Sisimulan ng dalawang partido ang pangongolekta ng datos ngayong buwan para mapag-aralan ang kasalukuyang supply ng langis at mag-develop ng policy recommendations sa legal at institutional frameworks na naaangkop sa kondisyon ng Pilipinas.
Kabilang din sa partnership ang human resource development and capacity building, pagtukoy at pagpaplano ng potential projects, at pagbabahagi ng kaalaman sa karanasan ng Japan sa pag-iimbak ng langis.
