dzme1530.ph

INKA MAGNAYE, NALUNGKOT PARA SA INA NA NAWALAN NG VOICE-OVER JOB DAHIL SA A-I

Loading

Dismayado ang voice talent at content creator na si Inka Magnaye nang ibahagi na nawalan ng voice-over gig ang kanyang ina na si Lindy Pellicer, makaraang piliin ng kliyente na gumamit ng artificial intelligence (AI).

Ibinahagi ng content creator sa kanyang Facebook page ang screenshot ng message na “I just lost a voice over job to AI” ng kanyang ina sa kanilang pamilya.

Kinomfort naman ng kapatid ni Inka na si Renzo ang kanilang ina, sa pagsasabing baka limitado lamang ang budget ng kliyente.

Sa caption, sinabi ni Inka na “My heart breaks for all the artists and creatives.”

Binigyang-diin ng voice talent na ang AI ay dapat gamitin bilang kasangkapan at hindi pamalit sa human talent.

About The Author