dzme1530.ph

MAHIGIT 30 KATAO, PATAY SA EASTERN UKRAINE SA ITINUTURING NA DEADLIEST SINGLE ATTACK NGAYONG TAON

Loading

Hindi bababa sa 33 katao ang nasawi matapos atakihin ng Russia ang dalawang pampublikong bus na nasunog sa eastern Ukraine at itinuturing na deadliest single attack ngayong taon.

Ayon sa local authorities, labing-walong iba pa ang nasugatan sa pag-atake sa Kramatorsk City sa Donetsk Region.

Dahil dito, isinara ng mga awtoridad ang public transport system at hinimok ang mga residente na lumikas sa mas ligtas na lugar.

Sinabi ng pinuno ng Donetsk Regional Military Administration, sadyang tinatarget ng Russia ang mga sibilyan.

About The Author