![]()
KINUMPIRMA ng testigo mula sa Bureau of Internal Revenue sa Senate impeachment court na wala silang hawak na record na nagpapatunay na ibinenta o inilipat ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases “Mans” Carpio ang kanyang shares sa Cale88 Foods Corporation.
Sa day 36 ng impeachment trial, sinabi ni Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez, chief-of-staff ng BIR, na batay sa official certification, wala silang record ng anumang transfer, sale, disposition, o iba pang onveyance of shares ng stock ng Cale88 Foods Corporation na pag-aari ni Atty. Mans Carpio.
Wala rin anyang nahanap na dokumentong magpapatunay na nagbayad ng anumang buwis, fees, o iba pang bayarin kaugnay ng nasabing bentahan.
Kinumpirma rin ni Garcia-Marquez na wala ring pending na aplikasyon para sa paglilipat ng shares na nangangahulugan ayon sa prosekusyon na hindi totoo ang pagbebenta ng shares sa Pikimong Pikimong Philippines Incorporated,
Kasabay nito, inungkat din ng prosekusyon kay Garcia-Marquez ang isang BIR Form 2316 na mismong si VP Sara ang pumirma.
Nakasaad dito na tumanggap siya ng sahod mula sa Davao City Hall noong 2023, kahit nakaupo na siyang Bise Presidente ng bansa.
Kinumpirma ito ng opisyal ng BIR, bagama’t hindi binanggit kung magkano ang eksaktong halaga ng natanggap na sahod.
Ipinaalala ni Matib sa korte na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Article VII, Section 6 ng 1987 Constitution na tumanggap ang Pangulo at Bise Presidente ng anumang sahod mula sa gobyerno o ibang mapagkukunan habang sila’y nakaupo.
