dzme1530.ph

TESTIGO MULA SA BIR, SUMALANG SA WITNESS STAND SA IMPEACHMENT COURT

Loading

Sumalang sa witness stand sa Impeachment Court ang testigo mula sa Bureau of Internal Revenue na si Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez, Chief of Staff ng Office of the Commissioner.

Hindi pa agad nasimulan ang direct examination sa testigo nang tutulan ng defense team ang hiling ng prosekusyon na ipakita sa screen sa Impeachment Court ang summary ng tax records ni Vice President Sara Duterte at asawang si Atty. Manases Carpio.

Subalit sa ruling ni Presiding Officer Francis Chiz Escudero, pinayagan ang pagpapakita ng summary at table na naglalaman ng mga impormasyon mula sa mga dokumentong sinubpoena.

Lumabas sa mga ipinakitang dokumento na ang combined after-tax income ng mag-asawa mula 2007 hanggang 2025 ay halos katumbas ng idineklarang net worth ng Bise Presidente sa kanyang 2025 SALN.

Sa rekord, ang income after taxes ng mag-asawa mula 2007 hanggang 2025 ay umaabot sa ₱85,343,803.

Samantala, ang idineklarang net worth ni VP Sara sa kanyang SALN 2025 ay nasa ₱98,656,131.

Binigyang-diin ni Atty. Erwin Matib ng prosekusyon na sa detalye pa lamang na ito ay may makikita nang gap.

About The Author