dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, EXCITED NA SA PAX SILICA PROJECT

Loading

Sa naturang press conference, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na excited siya sa Pax Silica project, kasabay ng paghihimok sa business leaders na nasa audience na mag-invest sa Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na magandang oportunidad ang pagdating ng Pax Silica para mapalawak ang posisyon sa value chain na nasimulan na ng bansa.

Inihayag ni Pangulong Marcos na pagsapit ng Nobyembre, isasapinal ang Digital Economy Framework Agreement na magsisilbing gabay ng bansa sa paggamit ng artificial intelligence (AI).

Ibinida rin ng Punong Ehekutibo sa business leaders sa forum ang young workforce ng bansa at ang relaxed rules para sa foreign investors.

Nasa Singapore si Pangulong Marcos para sa working visit hanggang sa Oct. 11.

About The Author