![]()
Nagkaloob ang Department of Migrant Workers ng financial assistance kay Mary Jane Veloso at sa kanyang pamilya matapos siyang mapalaya dahil sa absolute pardon na iginawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Personal na binisita ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac si Veloso sa kanilang bahay sa General Natividad sa Nueva Ecija.
Ito ay upang makumusta ang kanilang kalagayan at maipagkaloob ang kanilang tulong.
Ang financial assistance ng DMW ay maaaring gamitin ng pamilya bilang starting capital para sa negosyo at pagpapaayos ng kanilang bahay.
Una na ring nagkaloob ang DMW ng financial support sa pamilya Veloso kasama na ang eye checkups sa mga magulang ni Mary Jane na sina Celia at Cesar sa OFW Hospital.
