![]()
Umaasa ang Malacañang na ang susunod na lider ng bansa ay makapilipino at may puso para protektahan ang interes ng Pilipinas.
Ito, ayon kay Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, ay upang maipagpatuloy ang mga nasimulan ng Marcos administration.
Inaasam anya ng Malacañang na magkaroon ng lider na magpoprotekta sa interes ng Pilipinas, partikular sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Castro na kung ang susunod na lider ay hindi maka-Pilipinas, malamang ay magbabago kung anuman ang nakamit ng administrasyon sa pagprotekta sa karapatan ng mga Pilipino.
Nauna nang nagpahayag ng pangamba si Defense Secretary Gilbert Teodoro na magkaroon ng epekto sa momentum ng pagsisikap ng administrasyon kung mahahalal sa susunod ay presidente na hindi maka-Pilipino.
