![]()
Ibinahagi na sa wakas ng Filipino-Australian content creator na si Chloe San Jose ang “beautiful secret” nila ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na kanilang itinago simula noong December.
Ibinunyag ni Chloe na mag-iisang taon na silang engaged ng Filipino gymnast.
Kahapon ay sinorpresa ng magkasintahan ang netizens nang isiwalat nila sa pamamagitan ng vlog na engaged na sila noon pang nakaraang taon.
Kasunod ng announcement ay inihayag ng social media personality sa Instagram kung gaano siya kasaya na naibahagi na nila ang milestone sa buong mundo.
Inalala ni Chloe na nagsimula ang kanilang relasyon sa simpleng mensahe na ipinadala niya kay Caloy at sinabing isa siyang fan.
Mula sa first interaction na iyon ay ibinahagi ng couple ang ilang taon ng kanilang journey na puno ng major milestones.
