![]()
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga estudyante na manatiling curious at bukas sa mga ideya at pananaw.
Ginawa ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa recognition ceremony para sa mga paaralan at education partners na lumahok sa Programme for International Student Assessment (PISA) sa Pasay City.
Sa kanyang talumpati, hinikayat ng Punong Ehekutibo ang mga mag-aaral na magtanong, tingnan ang mga bagay sa iba’t ibang anggulo, at huwag matakot na magbago ng isip kapag may natutunang bago.
Idinagdag ni Pangulong Marcos na ang pagbabago ng opinyon o pananaw ay prerogative o tanging karapatan ng isang tao na may matalinong pag-iisip.
Nanawagan din si Marcos sa mga guro at magulang na linangin ang curiosity o pagiging mausisa ng mga mag-aaral, hikayatin silang mag-explore sa labas ng classroom, at gabayan sila sa paggamit ng teknolohiya bilang kasangkapan sa pag-aaral.
Noong nakaraang taon ay naitala ng Pilipinas ang highest-ever mean scores sa PISA sa reading, mathematics, at science.
