dzme1530.ph

LIMANG PINOY SEAFARERS NA LULAN NG BARKONG TINAMAN NG PROJECTILE SA LABAS NG OMAN, NAKABALIK NA SA BANSA

Loading

Ligtas na nakabalik sa bansa ang limang Pinoy seafarers na kabilang sa mga tripulante ng MV Cape Cao na tinamaan ng projectile habang naglalayag sa karagatan sa labas ng Oman.
 
Nangyari ang insidente noong September 23 kung saan tinamaan ng projectile ang Indian-flagged cargo vessel na patungong India.
 
Tumama ang projectile sa port side ng barko na nakapinsala sa accommodation area at bahagi ng engine room na sinundan ng sunog.
 
Pinagkalooban ang limang seafarers ng airport assistance, medical assessment, welfare support at special financial assistance bilang bahagi ng kanilang post-arrival assistance.
 
Tiniyak din ng Overseas Workers Welfare Administration na magpapatuloy ang kanilang suporta sa mga apektadong seafarer kahit nakauwi na sila sa bansa.

About The Author