dzme1530.ph

TINANGGAL NA SYSTEMS LOSS CHARGE, DI DAPAT BAWIIN SA IBANG SINGIL

Loading

TINIYAK ni Senate Committee on Energy Chairman Erwin Tulfo sa publiko na ang tatanggaling systems loss sa electricity bill ay hindi maaaring bawiin ng mga electric companies sa ibang paraan.
 
Ang pahayag ay matapos ang agam-agam ng ilang consumer na maaaring ipataw sa distribution o supply charges ang aalising systems loss charge.
 
Iginiit ni Tulfo na hindi nila palulusutin ang anumang pagtatangka na isingit sa ibang anyo ng paniningil ang system loss charge.
 
Ito ang dahilan kaya’t isinusulong nila ang Senate Bill No. 2486 o ang proposed “Systems Loss Charge Removal Act”, isang priority measure ng kasalukuyang administrasyon.
 
Hindi anya katanggap tanggap na nag consumer ang sasalo sa hindi maayos na pamamalakad o sira-sirang gamit ng isang electric company.
 
Hinimok din ni Tulfo na bilisan na ang takbo ng panukala at gawin na itong batas para matuldukan na ang pagpapasa ng system loss charge sa mga konsyumer.
 
Hindi anya luho ang kuryente dahil pangangailangan ito para mabuhay nang may dignidad sa makabagong panahon.

About The Author