![]()
May ilang tao na nakararanas ng pananakit at paninigas ng balikat na maaaring senyales na ng frozen shoulder o adhesive capsulitis.
Ayon sa mga eksperto, nagsisimula ito sa tuluy-tuloy na kirot na lalong lumalala kapag ginagalaw ang balikat o kapag natutulog sa apektadong bahagi.
Kasunod nito ang hirap sa pag-angat o pag-ikot ng braso, kaya nahihirapan ang pasyente sa mga karaniwang gawain tulad ng pagsusuot ng damit o pag-abot ng mga gamit sa itaas.
Mas mataas ang panganib ng frozen shoulder sa mga edad 40 hanggang 60, gayundin sa mga may diabetes o nagkaroon ng matagal na hindi paggalaw ng balikat dahil sa injury o operasyon.
Pinapayuhan ang mga nakararanas ng mga sintomas na magpatingin sa doktor dahil ang maagang ehersisyo, physical therapy, at tamang gamutan ay makatutulong upang maibalik ang galaw at maibsan ang pananakit.
