![]()
Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na epektibo sa Oct. 14 ang ₱42 na umento sa arawang sweldo ng mga manggagawa sa Central Visayas.
Sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na saklaw ng wage increase ang halos 385,000 minimum wage earners sa Cebu, Bohol, Negros Oriental, at Siquijor.
Nangangahulugan aniya ito na magkakaroon ang mga manggagawa sa Central Visayas ng monthly increase na ₱1,092.
Sa ilalim ng bagong rates, ang daily minimum wage ay itataas ₱582 para sa Class A areas habang ₱542 para sa Class B areas.
