dzme1530.ph

IRANIAN MINISTER, NANINIWALANG NEGOSASYON LANG ANG TATAPOS SA HIDWAAN MATAPOS IBASURA NI US PRESIDENT DONALD TRUMP ANG HORMUZ DEAL

Loading

Naniniwala ang foreign minister ng Iran na tanging “negotiated solution” ang tatapos sa hidwaan sa pagitan ng Washington at Tehran.
 
Ito’y matapos ibasura sa publiko ni US President Donald Trump ang panukala na muling buksan ang Strait of Hormuz.
 
Sa harap ng reporters sa White House, sinabi ni Trump na hindi katanggap-tanggap ang proposal ng Iran, at nais ng Tehran na magkaroon ng kasunduan sa buksan ang Strait sa commercial shipping sa loob ng isang linggo dahil masyado nang malaki ang nawawala sa kanila.
 
Sa post sa Telegram, tinanggap ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi ang pagtanggi ni Trump, subalit hihintayin nila ang “definitive” official US response.
 
Inihayag ni Araghchi na ang kanilang mga kondisyon na buksan ang Strait ay kapareho lang ng nakalagay sa Memorandum of Understanding sa pagitan ng US at Iran na nilagdaan noong Hunyo.

About The Author