![]()
Inaasahan ng COMELEC ang paghahain ng mga petisyon sa Supreme Court para kuwestyunin ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa November 2026.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na ang problema talaga nila ay kapag may dumulog sa Korte Suprema at magkaroon ng injunctive restraining order.
Idinagdag ni Garcia na ititigil ng poll body ang lahat ng paghahanda sa halalan, kabilang ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) na orihinal na itinakda simula Sept. 28 hanggang Oct. 5, bilang natural consequence.
Inihayag din ng poll chief na lahat ng election-related prohibitions at restrictions na may kaugnayan sa November 2026 schedule, kabilang ang public works at social assistance ay hindi na epektibo.
