dzme1530.ph

DATING HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, DUMALO SA PRE-TRIAL NG KASONG PLUNDER VIA VIDEOCONFERENCE

Loading

Dumalo si dating House Speaker Martin Romualdez sa kanyang pre-trial proceedings sa Sandiganbayan, sa pamamagitan ng videoconference.

Ito ay makaraang payagan ng Sandiganbayan ang kanyang manifestation with motion na payagan siyang lumahok sa hearing remotely.

Isinagawa ang pre-trial proceedings virtually kasama si Romualdez na nanatili sa New Quezon City Jail sa Payatas kung saan siya nakakulong.

Inaasahan sa pre-trial proceedings ang marking ng mga ebidensya at pagpepresinta ng mga testigo para sa paglilitis.

Si Romualdez ay nahaharap sa 7.4 billion pesos na plunder case kaugnay sa mga umano’y iregularidad sa mga flood control projects.

Inaasahan namang maghahain ng petition for bail ang kampo ni Romualdez sa September 28.

About The Author