![]()
Posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito, ayon sa Department of Energy, ay bunsod ng pagbuhay sa diplomatic engagement sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na bumagsak ang global oil prices sa unang dalawang araw ng trading ngayong linggo kaya’t maaaring ma-offset nito ang posibleng pagbabago nitong Miyerkules at Huwebes.
Sa inisyal na pagtataya, posibleng umabot ng 7 pesos hanggang 7.50 pesos ang rollback sa presyo ng kada litro ng diesel habang 50 centavos hanggang one peso sa kada litro ng gasolina.
