![]()
Bahagyang bumilis ang Tropical Storm Queenie habang kumikilos sa ibabaw ng Philippine Sea.
Sa advisory ng PAGASA as of 11 AM, huling namataan ang Tropical Storm Queenie 860 kilometer east ng extreme northern Luzon.
Tumatahak ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometer per hour.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot hanggang 90 kilometer per hour.
Kung hindi magbabago ng direksyon at lakas, tinaya ang Tropical Storm Queenie sa labas ng Philippine Area of Responsibility 8 AM ng Lunes, September 28.
