![]()
Umapila si Manila Rep. Benny Abante Jr. sa impeachment court para panagutin si Atty. Paolo Panelo sa pahayag nito laban sa mga senator-judges.
Si Panelo, tagapagsalita ng defense team sa impeachment trial, ay tahasang sinabi na “may lokohan” sa botohan ng mga senador kaugnay sa voting threshold.
Ayon sa chairman ng House Committee on Human Rights at endorser ng impeachment complaint, direktang inatake ni Panelo ang mga senator-judge matapos ang 13-1-6 na botohan.
Mahigpit na pinaiiral ng impeachment court ang sub judice rule sa magkabilang kampo, kasama na ang mga senador.
Punto ni Abante, bagaman at hindi bahagi ng defense team ni VP Sara si Atty. Panelo, tahasan naman nitong inakusahan ang mga senador o husgado na “naglolokohan.”
Samantala, kinanti rin ni Abante si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa pag-atake nito sa mga senador na pumabor para mabago ang threshold.
Saad ni Abante, “wala namang kinakatigan si Pulong kundi ang kanyang kapatid.”
