dzme1530.ph

KIM CHIU, NAGSALITA NA SA PAGKAKA-ARESTO SA KAPATID NA SI LAKAMBINI

Loading

Inamin ni Kim Chiu na nasasaktan siya kasunod ng pagkakadakip sa kanyang kapatid na si Lakambini, kaugnay sa kasong qualified theft na isinampa mismo ng actress-TV host.
 
Binigyang-diin ni Kim na “there is much more to this story” na hindi pa naisasapubliko.
 
Sinabi ng aktres na may mga aspeto sa kaso na hindi niya maaaring isiwalat sa publiko bunsod ng ongoing legal process.
 
Idinagdag ni Kim na ang kaso ay hindi tungkol sa personal niyang pera.
 
Ito aniya ay negosyo na sinimulan noong 2023 na itinayo sa pamamagitan ng ilang taong pagbabanat ng buto, pagsasakripisyo, at pangarap.
 
Kahapon ay nagtungo ang TV host sa Quezon City Hall of Justice para sa arraignment ni Lakambini na inaresto noong Linggo.
 
Nag-ugat ang kaso sa umano’y financial discrepancies na nagkakahalaga ng 44.4 million pesos sa House of Little Bunny Philippines Inc., ang kumpanya kung saan co-stakeholders ang magkapatid.

About The Author