![]()
Sinalubong ni US President Donald Trump si Chinese President Xi Jinping sa White House para sa isang magarbong state summit.
Ito ang unang pagbisita ni Xi sa Washington sa loob ng mahigit isang dekada, at ikalawang meeting ngayong taon sa pagitan ng dalawang lider ng biggest economies sa buong mundo.
Sa kanyang talumpati mula sa Grand Foyer ng White House, ibinida ni Trump ang kanyang personal friendship kay Xi.
Binigyang-diin naman ng Chinese President na ang kompetisyon sa pagitan ng US at China ay dapat aniya ay “healthy one, and should be kept within bounds” o may hangganan.
Inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang mga isyu na may kinalaman sa seguridad, teknolohiya, at artificial intelligence.
