![]()
Halos dumoble ang budget deficit ng bansa noong Agosto, makaraang makabawi ang government spending subalit bumaba ang revenue collections.
Batay sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo ang deficit ng 90.23% o sa 161.3 billion pesos noong August mula sa 84.8 billion pesos na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas mataas din ito ng 51.7% kumpara sa 106.3 billion pesos noong July.
Sinabi ng Treasury na ang paglaki ng deficit ay kasunod ng pagbabayad sa overdue debt ng Philippine Health Insurance Corp., kaya tumaas ang overall spending.
Noong Agosto ay umakyat ng 16% o sa 507.3 billion pesos ang government expenditures mula sa 437.3 billion pesos na na-record sa kaparehong buwan noong 2025.
