dzme1530.ph

DOH, HINIKAYAT NA PAIGTINGIN ANG KAMPANYA KONTRA TUMATAAS NA MENTAL HEALTH AT HIV INFECTIONS SA KABATAAN

Loading

KINALAMPAG ni Senator JV Ejercito ang Department of Health (DOH) upang paigtingin ang kanilang information campaigns laban sa tumataas na bilang ng mental health cases at HIV infections sa mga kabataang Pilipino.
 
Sa budget hearing ng DOH, binigyang-diin ni Ejercito ang pangangailangan na matugunan ang interconnected na tumataas na problemang ito ng mga kabataan.
 
Hiniling ng mambabatas ang pagtugon dito sa pamamagitan ng early detection, mas pinahusay na information dissemination at pinalawak na healthcare packages.
 
Iginiit din ni Ejercito ang sapat na pondo hindi lang para sa gamutan kundi pati na rin sa counseling at prevention ng mental health cases lalo sa mga estudyante.
 
Pinalalakas din ni Ejercito ang impormasyon ng ahensya tungkol sa libreng gamutan at PhilHealth care packages para sa mental health dahil marami sanang Pilipino at mga kabataan ang matutulungan subalit hindi nila alam ang tungkol dito dahil sa mahinang information campaign.
 
Nangako naman si DOH Acting Sec. Dr. Edwin Mercado ang pagtutok sa mga paaralan, peer-to-peer support training at community-based programs para matugunan ang tumataas na mental health crisis sa mga paaralan.
 
Plano din ng DOH na itaas ang budget para sa HIV and sexually transmitted infections (STIs) prevention programs sa P1.674 billion mula sa P1.394 billion sa ilalim ng 2027 budget.

About The Author