dzme1530.ph

PALASYO, UMAPELA SA MGA RALIYISTA NA IPAGPALIBAN ANG KANILANG MGA AKTIBIDAD

Loading

Nanawagan ang Malacañang sa mga raliyista na ipagpaliban ang kanilang planong kilos-protesta, kasabay ng pag-host ng bansa sa 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Nobyembre.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na bagaman kinikilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang right to free speech and peaceful assembly, umaasa ang Punong Ehekutibo na ihayag ng mga demonstrador ang kanilang mga hinaing sa ibang araw.

Agad namang nilinaw ni Castro na ang kanyang pahayag ay isang hiling at hindi pagdidikta.

Idinagdag ng Palace official na tiniyak ng PNP ang kahandaan sa pagbabantay sa high-level summit na inaasahang dadaluhan ng world leaders.

About The Author