![]()
Pumalo sa pinakamataas na lebel ang trade gap ng bansa sa unang semester, makaraang mahigitan ng imports ang exports, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Sa revised data mula sa PSA, umabot sa 31.36 billion dollars ang deficit ng Balance of Trade in Goods o ang agwat ng exports at imports.
Mas mataas ito ng 28% kumpara sa 24.48-billion dollar shortfall simula Enero hanggang Hunyo noong nakaraang taon.
Batay sa tala, lumago ang exports sa unang anim na buwan ng 2026 sa 46.78 billion dollars mula sa 41.31 billion dollars na naitala sa kaparehong panahon noong 2025.
Habang ang imports ay tumaas din sa 78.14 billion dollars mula sa 65.79 billion dollars.
