dzme1530.ph

SEXBOMB GIRLS, DADALHIN ANG KANILANG REUNION CONCERT SA CEBU

Loading

Nakatakdang dalhin ng SexBomb Girls ang kanilang reunion concert na “Get Get Aw,” sa SM Seaside Cebu Arena, sa Dec. 11.
 
Unang napanood ang reunion concert ng iconic girl group sa Araneta Coliseum noong Disyembre ng nakaraang taon, subalit dahil sa overwhelming ticket demand ay nasundan nang nasundan ang kanilang shows.
 
Nagkaroon din sila ng world tour, kung saan nagtanghal sila sa mga siyudad sa Australia at United States.
 
Nakilala ang SexBomb Girls sa kanilang dance hits na “The Spaghetti Song,” “Halukay Ube,” at marami pang iba.
 
Kaka-release lang din ng kanilang bagong single na “Mama Mama” ngayong Setyembre.

About The Author