dzme1530.ph

ADB, TINAPYASAN ANG PHILIPPINE GROWTH FORECAST NGAYONG 2026

Loading

Tinapyasan ng Asian Development Bank (ADB) ang kanilang 2026 growth forecast para sa Pilipinas, sa gitna ng mas mahinang public investment at mas malambot na household consumption.
 
Batay sa Asian Development Outlook (ADO) September 2026 report, ibinaba ng Philippine-based multilateral lender ang kanilang Philippine Gross Domestic Product (GDP) growth forecast sa 3.3% mula sa 3.8% projection noong Hulyo.
 
Sinabi ng ADB na ang mahinang public investment ang nag-contribute sa 2026 downgrade, bagaman inaasahang makabawi ang ekonomiya ng bansa sa 5.1% sa 2027.
 
Nananatili ring matamlay ang household consumption bunsod ng mataas na inflation at mahinang consumer confidence.
 
Ang latest forecast ay mas mababa sa revised 3.5–4.5% na GDP target ng pamahalaan para sa taong 2026.

About The Author