dzme1530.ph

JOSH CULLEN NG SB19, NAKIPAG-COLLAB SA KOREAN-AMERICAN RAPPER NA SI JAY PARK SA BAGONG TRACK NA “LIKE ME”

Loading

Nakatakdang i-release ni Josh Cullen ng P-pop powerhouse na SB19 ang kanyang bagong kanta na “Like Me” na isang collaboration kasama ang Korean-American rapper and model na si Jay Park.

Sa announcement ng 1Z Entertainment sa Instagram, ire-release ang collab, bukas ng alas-siyete ng gabi.

Pagkatapos nito ay magsasagawa si Josh ng show sa Sabado, Sept. 26, sa isang mall sa Taguig.

Ang bagong kanta ni Josh ay kasunod ng pag-release ng kapwa SB19 members na sina Felip, Justin, Pablo, at Stell ng kani-kanilang solo tracks simula noong Mayo.

Samantala, sumikat naman si Jay Park bilang miyembro ng South Korean boy band na 2PM, bago naging solo artist noong 2011.

Nakilala siya sa mga kanta niyang “Mom-Mae,” “All I Wanna Do,” “Solo” at “Ganadara,” at iba pa.

About The Author