![]()
Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng Quezon Avenue Station ng Metro Manila Subway Project.
Sinabi ng Pangulo na ipinagdiriwang nila ang breakthrough sa tunnel boring machine sa lugar.
Binigyang-diin pa ng Punong Ehekutibo na nakikita na unti-unti nabubuo na ang subway project.
Ang Metro Manila Subway Project ang kauna-unahang underground rapid transit rail system na may habang 33 na kilometro.
Bubuuin ito ng labimpitong istasyon kabilang ang train station sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang proyekto ay pinondohan ng Official Development Assistance mula sa Japan International Cooperation Agency.
