![]()
Natanggap na ng kampo ni Davao City Mayor Sebastian Duterte ang panibagong subpoena na inisyu ng Senate Impeachment Court.
Inihain ang subpoena ad testificandum and duces tecum sa opisina ng alkalde sa Davao City.
Nakasad sa subpoena na pinahaharap ang alkalde sa Impeachment Court sa September 28, 29 at 30.
Sa atas ng korte, pinadadala ang kopya ng mga kontrata ng Davao City LGU at katulad na transactions mula 2020 sa Gencorp Industries Inc. at iba pang korporasyon o entity na nagmamay-ari ng branch ng isang kilalang fast food company.
Sinabi ni Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol na inaasahang sisipot ang mayor at tatalima sa utos na magdala ng mga dokumento.
Lahat aniya ng testigong ipinatawag ng Impeachment Court, hindi lang si Mayor Duterte, ay inaasahang haharap sa paglilitis at tatalima sa compulsory process ng Impeachment Court.
