![]()
Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang isang TV host kasunod ng viral video na umano’y nagpapakita ng iba’t ibang traffic violations.
Kabilang na rito ang hindi pagsusuot ng seatbelt habang nagmamaneho at paglabas sa sasakyan habang nasa gitna ng kalsada.
Dahil dito, inatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at driver ng SUV na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division sa Sept. 29, para sa pagdinig.
Hindi tinukoy ng LTO ang TV host subalit mabilis na naiugnay ng netizens ang insidente sa video na pinost ng Eat Bulaga host na si Maine Mendoza sa Facebook noong Sabado, Sept. 19, na ni-report ng kapwa host na si Miles Ocampo.
Sa video, lulan ng sasakyan sina Maine, Miles, Ryzza Mae Dizon at Ian Red habang sinasabayan ang awiting “Ulan” ng Cueshe.
Si Red ang nagmamaneho habang si Mendoza ang nasa front passenger seat habang sina Miles at Ryzza ay nasa likod.
Si Maine na may suot na seatbelt ang nagbi-video at nang malapit nang matapos ang clip ay eksaheradong kumanta si Ian at paminsan-minsan ay inaalis nito ang kamay sa manibela ng sasakyan para bumirit ng kanta.
Napansin ng ilang netizens na walang suot na seatbelt si Ian, at hindi nakita ang pagbaba nito sa sasakyan.
