![]()
Naghain ang Bureau of Customs (BOC) ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban sa labing apat na indibidwal, kabilang ang siyam nitong personnel.
Kaugnay ito sa umano’y misdeclared agricultural products sa Port of Subic.
Ayon sa BOC, anim na complaints ang isinampa bunsod ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) laban sa may-ari at mga kinatawan ng Berches Consumer Goods Trading at customs personnel na in-charge sa pag-examine at pag-appraise ng goods.
Inihayag ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na aabot sa kabuuang 17.5 million pesos ang misdeclared white onions ng mga respondent.
Sinabi ni Nepomuceno na magsilbi sana itong babala sa kanilang mga tauhan na mananagot ang mga nagkakamali sa batas.
