![]()
Walang alam si Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte at maging ang ibang opisyal ng lokal na pamahalaan hinggil sa kaugnayan ni Vice President Sara Duterte sa Gencorp Industries Incorporated.
Gayunman, inamin ni Baste na umabot sa 33.2 million pesos ang transaksyon ng lokal na pamahalaan ng Davao sa Gencorp kaugnay sa 19 na kontrata.
Ibinahagi rin ng alkalde na hindi rin lumalabas ang pangalang Sara Zimmerman Duterte o kahit ang kanyang apelyido sa anumang official documents na isinumite ng Gencorp Industries Inc. sa mga kontrata.
Binigyang-diin ni Baste na sumasailalim sa evaluation ang Gencorp tuwing magkakaroon ito ng transaksyon sa lokal na pamahalaan.
Nanindigan si Baste na lahat ng transaksyon nila sa korporasyon ay dumaan sa tamang proseso.
