dzme1530.ph

FRENCH SINGER, INAKUSAHAN SI MILEY CYRUS NG PLAGIARISM

Loading

Inakusahan ng French disco diva na si Amanda Lear ang American singer na si Miley Cyrus ng plagiarism o pangongopya sa isa sa kanyang mga kanta noong 1970s.

Pinuna ng model-turned-singer ang pagkakapareho ng kanyang kanta na “The Sphinx” sa bagong track ni Miley na “Redlights.”

Ni-release ng American singer ang kanyang 10th album na “Bass Persuades” noong Biyernes, na binubuo ng 10-track dance pop opus, kabilang ang ballad na “Redlights” na tila may pagkakapareho sa mas mabagal na kanta ni Amanda noong 1978.

Sa social media, sarkastikong pinasalamatan ng French disco diva si Miley sa pangongopya sa kanyang kanta, na nilagyan pa niya ng hashtags na “ripoff” at “copycat.”

Si Amanda ay muse ng surrealist painter na si Salvador Dali at naging lover ng Rolling Stones guitarist na si Brian Jones.

About The Author