![]()
Iginiit ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang muling pagbubukas ng plenary interpellations sa budget ng House of Representatives bilang bahagi ng pagsusulong ng transparency at accountability at para maiwasan ang posibilidad ng katiwalian.
Sinabi ni Tiangco na dapat payagan ng pamunuan ng Kamara ang muling pagbubukas ng interpellations sa budget ng Kamara matapos ilipat noong Sept. 17 mula sa Sept. 24 ang deliberations, habang siya ay nasa ibang bansa para sa official business.
Aniya, dapat muling buksan ng pamunuan ng mababang kapulungan ang mga talakayan sa budget ng Kamara, at payagan din na buksan muli ang deliberasyon sa budget ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Binigyang-diin ni Tiangco na dapat sumunod ang House of Representatives sa mataas na pamantayan ng financial accountability, lalo na pagdating sa mga panuntunan nito sa paggastos.
Aniya, higit sa rules, mas mahalaga ang transparency, at kung nais nating pigilan ang korapsyon, kailangang mayroong accountability.
Sa kabila nito ay hindi pinagbigyan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).ang mosyon ng kinatawan ng Navotas City.
