![]()
Sinuspinde ng leading broadcasters sa Estados Unidos ang TV “pool” coverage kay US President Donald Trump, bilang pakikiisa sa CNN, MS NOW at Politico, na banned mula sa White House.
Sa statement, sinabi ng ABC, CBS, CNN, FOX, at NBC, na mahalaga ang interest ng publiko sa pagtanggap ng accurate at independent information tungkol sa pamahalaan.
Anila, hindi dapat higpitan ng administrasyon ang news organization dahil lamang ayaw nito sa kanilang reporting.
Una nang inalisan ng White House ng access ang mga journalist mula sa CNN, MS NOW at Politico, kasunod ng anunsyo ni Trump na iba-ban niya ang mga ito sa grounds ng building.
Magkakahiwalay na sinabi ng lahat ng tatlong news outlets na kinumpiska ang press passes ng kani-kanilang teams nang magtungo sa White House ang kanilang mga journalist.
