![]()
Lumiliit ang Balance of Payments (BOP) deficit noong Agosto, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Batay sa tala ng Central Bank, bumaba ang BOP gap ng bansa sa 596 million dollars noong August mula sa 1.47-billion dollar deficit noong July.
Gayunman, kabaliktaran ito ng 359-million dollar surplus kumpara noong Agosto ng nakaraang taon.
Ito ang ikalawang sunod na buwan na naitala ang BOP position ng bansa sa shortfall.
Dahil dito, umabot na ang BOP deficit ng bansa sa 5.943 billion dollars sa unang walong buwan ng 2026.
Mas mataas ito kumpara sa 5.397-billion dollar gap na nai-record sa kaparehong panahon noong 2025.
