dzme1530.ph

NBI, NAISILBI NA ANG SUBPOENA SA DPWH REGIONAL OFFICE SA DAVAO CITY KAUGNAY NG INIIMBESTIGAHANG 51 FLOOD CONTROL PROJECTS

Loading

Naisilbi na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office sa Davao City.

Kaugnay ito sa kanilang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa subpoena, inatasan ang DPWH Regional Director na magtungo sa NBI sa Huwebes, Sept. 24, at magbigay ng impormasyon bilang bahagi ng imbestigasyon ng NBI.

Inatasan din ang Regional Director na magsumite ng mga dokumento na may kinalaman sa 51 flood control projects.

Noong nakaraang linggo ay inihayag ni NBI Director Melvin Matibag na nakatanggap sila ng mga dokumento tungkol sa halos limampu umanong ghost at substandard flood control projects sa Davao City.

About The Author