dzme1530.ph

TATLONG INDIBIDWAL, INARESTO DAHIL SA MGA PINOST NA PAGBABANTA SA SOCIAL MEDIA

Loading

Tatlong indibidwal, kasama ang dalawang 16 years old, ang inaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa South Cotabato dahil sa social media posts na nagbabanta umano sa ilang mga estudyante at magulang.
 
Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr., ang dalawang menor de edad ay inaresto sa Barangay Lamian, Surallah matapos ma-trace ang pagbabanta na pinost sa online.
 
Sinabi ni Tamayo na inihahanda na nila ang mga kaso laban sa dalawang teenagers subalit kailangang munang dumaan sa Department of Social Welfare and Development.
 
Sa hiwalay na operasyon, isang 18-anyos ang inaresto sa bayan ng Tupi matapos mag-post ng video bitbit ang baril.

About The Author