dzme1530.ph

SHOOTING INCIDENT SA BANGA NATIONAL HIGH SCHOOL, MATAGAL NANG PLINANO NG SHOOTER

Loading

Kinumpirma ng Department of Education na ilang linggong pinlano ng estudyanteng sangkot sa shooting incident sa Banga National High School ang pag-atake at sinamantala ang gap sa physical security ng paaralan.
 
Ayon kay DepEd Undersecretary Malcolm Garma, isa sa naging problema sa Banga National High School ay ang lawak ng eskwelahan.
 
Sinabi ni Garma na may mga gwardya at barangay tanod na nakatalaga sa paaralan subalit naipasok pa rin ng estudyante ang baril dahil may lugar sa paaralan ang wala pang bakod.
 
Idinagdag ni Garma na humihiling na sila ng dagdag na pondo upang ayusin ang kanilang bakod at palakasin ang kanilang security checks sa school entrance.
 
Bago ang pag-atake, pinagsabihan na umano ng shooter ang kanyang mga kaklase na umuwi dahil may gagawin siya sa paaralan. |

About The Author